Abroad
Tagalog

Abroad

Nang makita ko ang lugar ng paliparan,
Dali dali akong bumaba sa sakayan,
Ang tingin ko sa langit ay gayun na lamang.
Maabot ko na ba ang aking kapalaran?

Sa dami ng tao na aking nakasalubong,
Ako ay napaisip kung ako ay susulong,
At pagdating ko sa lugar na aking tinapakan,
Gusto ko ng bumalik sa aking lupang sinilangan.

Sa dalawang taon na hindi kayo nahagkan.
Parang ayaw ko ng umalis pa at lumisan,
Lumakad ako at umupo kung saan man.
Anak ko ay umiiyak hanggang ako ay nagpaalam.

Akala ko nuon pag ako ay nalayo,
Magiging maganda ang buhay ng aking kadugo,
Problema ko dito sa aking kinalagyan,
Hindi naging maganda pagdating sa bigayan.

Sa dami ng pasahero sa aking pinagtratrabahunan,
Pati ang mga parak kami ay sinisigawan,
Takbo dito at lakad duon ang aming puhunan.
Sakripisyo at pagtitiis ang aking pinanindigan.

Sa labing dalawang oras ng aming trabaho,
Ako’y napapaisip kung ako pa ba’y magseserbisyo,
Handa akong magtiis para sa aking pamilya,
At para maibigay din ang mga gusto nila.

Pagdating ng panahon ako ay magtatagumpay,
Tiyaga at sakripisyo sakin ay bubuhay,
Dasal at pananalig ang aking sandata,
Para makauwi ng maayos at tama.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Saglit

January 24, 2020