Ang Kahapon
Tagalog

Ang Kahapon

Pakiramdam ko ngayon ako’y nag-iisa,
At hindi ko dapat iparamdam sa iba.
Sa lungkot, sa pagod, sa sakit ikaw ay karamay ka.
Pero bakit puro luha at galit ang aking nadarama.

Ilang taon din tayo magkasama sa hirap at saya,
Ngunit sa kabila nito pinagpalit mo ako sa pera.
Sumama ka sa iba ng di ko namalayan na.
Ako pala’y iiwanan na ng walang paalam pa.

Ang sakit ng ginawa ngunit mahal pa din kita.
Hanggang sa punto na nagkita tayo, at ikaw ay nagdurusa.
Ngunit sabi ko sa sarili ko wala ng babalikan pa.
Ang sakit ng ginawa mo ngayon sakin ay nagmarka.

Ako ay niyakap, ngunit ako ay umiwas.
Sa ilang taon na magkasama para ka na lang lumipas.
Sa bawat oras at araw na ikaw ay nawala.
Para akong kandila na nauubos at nagmamakaawa.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Kaibigan

February 7, 2020

Tadhana

February 14, 2020