Bangungot
Tagalog

Bangungot

Nung una kitang makita akala ko magiging tayo na,
Niyakap ako at sinabi sakin na ako na talaga,
Sa taon na tayo ay laging magkasama,
Hindi ko naiisp na lalayo ka pa,

Sa tagal na natini sa iisang kwarto,
Masasakit na salita lang ang inabot ko,
Sa aking katawan at tangkad ay di lumaban sayo.
Ang pag-aakala ko kasi mamahalin mo pa din ako.

Sinabi ko sa sarili na isa lamang bangungot,
Ang pag iwas mo sakin ay tuluyan ng nilimot,
Sa aking pag daan sa ating kinalalagyan,
Bigla kitang nakita at sabi mo na paalam.

Sa sakit na naramdaman ko saan ba ako pupunta,
Halos pakita mo sakini na ikaw ay umiwas na,
San ba ako nagkamali sa ating pagsasama.
Malamang eto na nga siguro ang karma na sinasabi nila.

Pinilit ko ulit ilapit ang sarili ko sayo,
Pero parang isang bangungot ang nakikita ko,
Sa tagal na natin ako ulit ay nagtiwala,
Bangungot mo sa akin ay di na mawawala.

Wala akong malay pinagpalit mo kay tadhana,
Sa pagsulong mo at pagbitaw ako ay binalewala.
Hahayaan na lang kita na umalis ng kusa,
Para naman maramdaman mo ang salitang sayo sinumpa.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Saglit

January 24, 2020

Lola

January 30, 2020