Kaibigan
Tagalog

Kaibigan

Sa panahon ako ay naiinip at nalulungkot,
Isang tawag ko lang sayo ikaw ay sumusulpot,
Sa aking pag-iyak at sa aking pagtawa,
Hindi mo ako kinakalimutan kahit ikaw ay mag-isa.

Dalawang klase ang kaibigan sabi nila,
Isang kaibigan na andyan at hahawakan ka,
Sa kabilang banda naman ay gagamitin ka,
Na parang isang basura pag walang wala ka na.

Mahirap isipin kung saan tayo sasama,
Sa totoong tao o nagpapanggap na lang ba?
Marami sa atin nakakaranas ng ganito,
Pero ito lang ang sasabihin ko sa inyo.
Makiramdam ka pra di naloloko.

Pag-isipang mabuti ang kaibigan na pupuntahan,
Kung magdadala ba sa atin ng tama o kamalian,
Ang panahon ngayon ay iba na,
Basta laging tatandaan wag basta basta sasama.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Maghihintay

February 4, 2020

Ang Kahapon

February 11, 2020