Lola
Tagalog

Lola

Panahon at oras ang ating kailangan,
Niyakap kitang mahigpit at lumingon ka lamang,
Ito na ba ang huling oras na ika’y nakita,
Nakadungaw sa bintana at nakangiti pa.

Pag alis ko sa bayan na kinagisnan,
Umaasa ako na ikaw ay masisilayan,
Ngunit ilang hakbang pa lang ang aking tinatapakan,
Sigaw ng kapatid ko ganun na lamang.

Aking aking lola na nag aruga sa amin,
Nakahiga na lamang at di na kumakain.
Pagtakbo ko sa mismong pintuan namin,
Nakita kitang nakahandusay sa papg natin.

Ikaw ay nagpaalam ng biglaan,
Hindi mo kami iniwanan ng kabiguan,
Sabic mo sa amin “apo, ako ay maghihintay”
Hanggang sa pagbalik mo ika’y magtatagumpay.

Ako ay litong lito sa lahat ng nangyari,
Nakatulala na lamang sa isang tabi.
Sabi ko sayo lola ako na ang magsisilbi,
Bakit ka nagpaalam ng walang pasabi.

Ikaw ay nawala at kinuha na ng maylikha,
Nakaluhod ako at di nagsasalita,
Ako ay nanalangin sa Poon na Diyos natin.
Huwag sanag pabayaan ang minamahal namin.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bangungot

January 27, 2020

Ang Aking Gabay

February 1, 2020