Saglit
Tagalog

Saglit

Sa mga pangako mo na iyong binitawan,
Hindi ko na maisip kung may katotohanan,
Ano ba nagawa ko at ako ay iniwanan,
Pagtalikod sa kin sabi mo’y saglit lamang.

Ako ay naghintay ng ilang taon,
Nakalipas na din ang mahabang panahon,
Sana ay sabihin mo sa akin ang katotohanan,
Kung tayo pa ba ay may kinabukasan.

Subalit ikaw ay tumakbo sa kalagitnaan,
At huli hirit mo na naman saglit lamang.
Hindi ko na malaman ang pinag-usapan,
Sa pagkakaalam ko wala ka ng babalikan.

Pinangako mo sakin na walang iwanan.
Pero parang hangin ka na lang na nagdaan,
Ano pa ba ang dapat kong gawin sa ating dalawa,
Hindi ka pa din dumating hanggang mawalan ako ng hininga.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Abroad

January 22, 2020

Bangungot

January 27, 2020