Tadhana
Tagalog

Tadhana

Nung una pa lang kitang makita ako ay namangha,
Sa ngiti at biloy ng mukha mo ako ay nadarapa.
Sa bawat oras na hindi tayo nagkikita, ako ay lumuluha
Ngunit nangako ka sakin na ako lang hanggang sa pagtanda.

Mahirap ipaliwanag ang aking nararamdaman,
Ngunit na ikaw ay nagsabi na mahal kita at sayo lamang.
Ako ay sumagot ng tingin at napapikit na lang.
Ang hindi inaasahan tanong sao nanggaling na naman.

Hindi na ako kumibo ng iyong sabihin
Mahal, hanggang sa dulo ay aking paliligayahin.
Maraming problema ang nagdaan at sumobok sa atin.
Pero hawak kamay pa din natin itong haharapin.

Ipinangako ko sayo hanggang habang buhay
Pagsasaya at pagsasakripisyo nakahanda ng ibigay.
Ang Panginoon natin ang sya lang gabay.
Hanggang sa kamatayan tayo man ay maghiwalay.

Pag-ibig ko sayo ay hindi maglalaho.
Kahit minsan tayo ay nagiging malabo.
Umasa ka at hindi kita bibitawan.
Habang ako ay nanalangin sa Ama magpakailanman.

Author

Joanna Amoyen
Simple, adventurous, try new things, travel new places, reading inspirational and entrepreneurship books, sports minded, love to draw, cook and baking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ang Kahapon

February 11, 2020

Morning

March 27, 2020